Antas ng Pang-uri


Ang pang-uri ay mga salitang nagsasaad ng katangian o uri ng tao, hayop, bagay, lugar at pangyayari. 

May iba't ibang kaantasan ang pang-uri. Ang mga ito ay lantay, pahambing at pasukdol.

1. Lantay – Naglalarawan ang pang-uring lantay ng isang pangngalan o panghalip na walang pinaghahambingan.
Halimbawa:
Kabigha-bighani ang pook na ito.
2. Pahambing – Nagtutulad ang pahambing sa dalawang pangngalan o panghalip.
Halimbawa:
Si Karen ay mas maganda kaysa kay Ana.
3. Pasukdol – Ang pasukdol ay katangiang namumukod o nagngingibabaw sa lahat ng pinaghahambingan.
Halimbawa:
Si Robert and pinaka mataba sa kanilang magkakapatid.


Disclaimer: 
If you are the original creator of these images, comment below so we can give the proper credit. 

Tags:
printable, deped, resources, free, download, pictures, images, IM's, lesson, school, instructional materials, kids, elementary, kindergarten, teachers, files, visual materials, visual aids, flashcards, picture cards, charts, educational materials, kindergarten teacher, primary teacher, literacy activity,  passages, read, practice, pang-uri, antas ng pang-uri

Post a Comment

0 Comments